Hindi Maturuan Ang Puso (tagalog)

Bakit ba pag mahal mo ayaw sayo? Yung mahal ka naman ay ayaw mo. Bakit ba ganon? Bakit kailangan ng taong magdusa para mahalin lang sila ng taong mahal nila eh andyan naman
yung nagmamahal sayo na kayang gawin lahat para lang din mahalin mo. Hay pag ibig nga naman sa mundo, sinasadya ba ng kupido na tamaan ka sa taong di ka naman pala kayang
mahalin? Sa lahat-lahat ba naman ng pwedeng mahalin ay siya pa! Iresponsable, sinungaling, manloloko at lahat-lahat na, pero bakit siya pa rin ang laman ng puso ko? Bakit hindi ko
sya magawang kalimutan? Ano bang meron siya at sadyang mahal na mahal ko siya? Dami diyan nagpaparamdam, ginagawa ang lahat ng gusto ko pero tila di ko naman nararamdaman,
di ko naman pinapansin, mahal na mahal nga ako pero ayaw ko naman, responsable, mabait, masipag at mapagkakatiwalaan ngunit hindi ko naman mahal. Minsan sinasabi ko sa
sarili ko na pwede bang siya na lang? Pero sadya nga talagang bingi ang puso, manhid pa! Bugbog na nga sa sakit pero nagmamahal pa rin. Whahaha!
Minsan gusto kong untugin ang ulo ko sa pader dahil sa sobrang katangahan, pero may magbabago ba? Niloko na ko, pinaiyakan ng ilang beses, sinisigawan pa paminsan, pero mahal ko
pa rin, walang nagbago. Nahihirapan na nga, pagod na pagod na, pero bakit? ang puso ko di napapagod? Hanggang kailan ba ito? Pakiusap naman! Hindi ka ba talaga maturuan?
Mas pipiiliin ko na lang ang intindihin ang matematika kasi mas mabuti yon may explanasyon pa, eh ikaw? ang hirap na ngang intindihin, wala pang explanasyon. Sana mamatay ka na,
yun bang wag ka na lang magmahal ng lalake, hirap na hirap na ko sayo eh. Di ko na alm ang gagawin ko sayo! Umaasa na lang na balang araw mapapagod ka na rin pero hindi ko rin alam kung
kailan ;(

Advertisements

3 Comments (+add yours?)

  1. doon po sa amin
    Mar 04, 2011 @ 11:20:46

    hey, basa-basa ako dito, ha?

    sabi ng isang friend kong may Ph.D., babae sya, may asawa at anak, ang nakakatuluyan raw ng isang tao ay iyong kapareho nya ang insecurities. parang gusto ko syang paniwalaan dahil bukod sa may Ph.D. sya, parang di naman sya naive sa buhay.

    going by her advice, it seems di pa sya siguro ang taong kapareho mo ng insecurites, hi, hi… hanap, hanap pa, bale. πŸ˜€

    Reply

  2. janjanboy24
    Apr 28, 2012 @ 15:41:21

    oo nga tama ka, bakit nga kaya ganon πŸ™‚

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

Pictures

%d bloggers like this: